Thursday, February 17, 2011

SINO ANG BALIW ( Basil VAldez )

Ang natutuwang baliw, yaman ay pinagyabang
dahil ari niya raw, ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay, salapi ang hinihigan
ngunit ang gintong baul, panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw, awit na walang laman
ulo mo'y maiiling, tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw magdasal, sinungaling rin naman

Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip hindi lubos?
O husto ang isip, Ngunit sa pag-ibig ay kapos

Ang kanyang tanging suot, ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binata ang gayak, ay diamante at hiyas
Ngunit oras maghubad, kulay ahas ang balat

Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip hindi lubos?
O husto ang isip, Ngunit sa pag-ibig ay kapos

Sa kanyang kilos at galaw, tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata, isa lamang siyang baliw
Ngunit, kung tayo ay, hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal

Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip hindi lubos?
O husto ang isip

Kaya't sino, sino, sino, sino nga
Sino nga ba, Sino Sino ba,
Sino nga ba ang tunay na baliw?


http://www.gugalyrics.com/BASIL-VALDEZ-SINO-ANG-BALIW-LYRICS/378281/

1 comment:

  1. who is the true insane? the question of the true insane her or the one who is like doing a bad things.... it question too that who is the true free in acting the life... it said to that story that their are much grateful than to the one who is rich!

    ReplyDelete